Nakatakda nang magtapos ang Elimination Round ng 2nd Inter Barangay Basketball Tournament sa Cabanatuan City sa ika-9 ng Abril.
Hinati sa limang distrito ang nasabing palaro kung saan nilahukan ng pitumpu’t dalawang koponan.
Mula sa East District na may 14 na koponan, nangunguna ang Brgy. Cabu na may 8 panalo at wala pang talo, susundan ng Brgy. San Isidro na may 7 panalo at 1 talo, Brgy. Bantug Norte na may 7 panalo at 2 talo, Brgy. Camp Tinio na may 6 na panalo at 2 talo at Brgy. Valle Cruz na may 5 panalo at 1 talo.

Nangunguna ang Brgy. Cabu na may 8 panalo at wala pang talo sa East District. (as of April5, 2017)
Samantala, sa West District na may 14 na koponan, nasa unang pwesto ang Brgy. San Josef Sur na may 10 ng panalo at 1 talo, nasa pangalawang pwesto ang Brgy. Sumacab Norte na may 6 na panalo at 1 talo at sinundan ng Brgy. Valdefuente na may 6 na panalo at 2 talo.

Pinangunahan ng Brgy. San Josef Sur ang laban sa West District kung saan umukit na ng 10 panalo at 1 talo ang koponan. (as of April5, 2017)
Sa North District, naungusan naman ng Brgy. Mayapyap Sur ang defending champion na Brgy. Buliran via default na parehong may 7 panalo at 1 talo. Sinundan ng Caalibangbangan na may 4 na panalo at 3 talo at Brgy. Polilio na may 3 panalo at 3 talo.

Dikitan ang laban ng Brgy. Mayapyap Sur at Brgy Buliran kung saan parehong nakakuha ang koponan na may 7 panalo at 1 talo. (as of April 5, 2017)
Sa South District nangunguna pa rin ang Brgy. Bantug Bulalo na may 9 na panalo at 2 talo susundan ng Brgy. Sumacab Este at Brgy. Imelda na may 8 panalo at 1 talo, Brgy. Barrera na may 6 panalo at 2 talo at Brgy. Magsaysay Norte na may 5 panalo at 1 talo.

Mahigpitan ang labanan ng limang koponan sa South District na kinabibilangan ng Brgy. Bantug Bulalo, Brgy. Sumacab Este, Brgy. Imelda, Brgy. Barrera at Brgy. Magsaysay Norte. (as of April5, 2017)
Habang ang Brgy. Matadero na may 11 panalo at wala pang talo, Brgy. Aduas Sur na may 9 na panalo at 1 talo, Brgy. General Luna na may 8 panalo at 2 talo, Brgy. Aduas Norte at Sanbermicristi na may 6 na panalo at 2 talo ay may pag-asang makapasok sa Central District.

Brgy. Matadero, no.1 pa rin sa Central District mula sa 17 koponan na kabilang dito. (as of April 5, 2017)
Dalawang koponan lamang ang maaaring pumasok sa pagtatapos ng Elimination Round ngayong Linggo ayon sa mga komite ng palaro.
Ang sampung koponan na makakapasok sa Elimination ay maghaharap-harap sa April 17 para sa Quarter Final Round.- Ulat ni Shane Tolentino