Kaso ng Rabies sa Nueva Ecija, Tumaas

Sa pag pasok pa lamang ng Buwan ng Enero ay tumaas na ang kaso ng animal bite partikular na sa kagat ng aso sa Lalawigan ng Nueva Ecija. Enero ng nakaraang taon nakapag tala ng mahigit 900 na kaso ng animal bite at ngayon ay lumobo na ito sa 1,100 cases para sa Buwan ng Enero.

Kagat ng aso, nangungunang sanhi ng rabies

Tatlo na ang naitalang patay dahil sa rabies. Tig-isang kaso sa Cabanatuan , Quezon at ang latest na naging biktima ng rabies ay sa Marikit, Pantabangan.

Libreng Vaccine para sa mga nakagat ng aso, mabilis na nai po-processo sa Rabies Prevention and Control Program na matatagpuan sa ELJ Hospital.

Kaya naman patuloy ang binibigay na assistance ng Provincial Government through the Provincial Health Office (PHO) ng libreng vaccine para sa mga nakagat ng aso.

Araw-araw ay dumudulog ang mahigit 40-60 novo ecijano kada araw sa tanggapan ng PHO sa ELJ hospital Cabanatuan City upang humingi ng assistance sa pagpapa bakuna laban sa rabies.

Nakapila sa ELJ animal Bite center si Gng. Maritez na naggaling pa sa   Zaragoza, nueva Ecija

Isa na sina Maritez ng Zaragoza na dumayo sa ELJ Memorial Hospital dahil nakagat ng aso ang kanyang anak na si JC . Agad na nakakuha ng libreng 3 saksak ng anti-rabies sa PHO ang kanyang anak kay naman lubos ang pasasalamat ni Aling maritez sa Provincial Government.

Maiiwasan sana ang mga insidente ng pagkaka kagat ng aso kung susunod lamang sa Republic Act no 9482 “Anti-Rabies Act of 2007.”  Isinasaad kasi dito na hindi dapat hinahayaang makawala ang aso sa kalsada at dapat ito ay nakatali at dapat pinababakunahan sa rabies ang mga alagang aso.

Kung hindi magagawang ipa-bakuna ang aso sa rabies ay magmumulta ang pet owner ng 2,000 Piso at sagutin ng pet owner na ipa-immunize ang aso at pabakunahan ang nakagat nito.

Kapag hindi itinali ang alagang aso at inilabas ng tahanan sila naman ay mag mumulta ng limang daang piso sa bawat pagkakataon na mahuling lumalabag ito sa batas. –Ulat ni Amber Salazar