Limampung baka ang muling ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng Typhoon Lando Livestock Rehabilitation Program ng Provincial Government noong March 3.

Tumanggap ang mga mamamayan ng bayan ng Guimba at bayan ng Talugtog ng tig-dalawangpu’t limang baka.

BAYAN NG GUIMBA AT BAYAN NG TALUGTOG, TUMANGGAP NG TIG-DALAWAMPU’T LIMANG BAKA

Masayang-masaya ang bawat isang  tumanggap sa parehong bayan, dahil malaking tulong ito sa kanilang kabuhayan.

Lubusang pasasalamat naman ang ipinahatid ni Municipal Administrator ng Talugtog Nueva Ecija na si Premodario Sabado, sapagkat napili ang kanilang bayan, kung saan ay isa sa mga bayan na lubos ding naapektuhan ng bagyo ng lando.

MGA MAMAMAYAN NG BAYAN NG GUIMBA AT BAYAN NG TALUGTOG, LUBOS ANG KASIYAHAN SAMGA NATANGGAP NA BAKA MULA SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN.

Hiniling nito sa mga tumanggap na sana ay alagaang mabuti at pagyamanin ang mga inahing baka na kanilang natanggap.

Kabilang na lamang si Sante Sabado na mula rin sa bayan ng Talugtog, kung saan ay sinabing palalaguin niya ito sa magandang pag-aalaga upang maparami pa ang baka na kaniyang natanggap.

At si tatay Bien Binedo na lubos din ang pasasalamat, ayon sa kaniya malaking biyaya ang kaniyang natanggap dahil magagamit rin aniya ito bilang pangkabuhayan.

Samantala, ito na ang naitalangh pang pang-dalawamput-anim at dalawampu’t pitong bayan na napagkalooban ng Pamahalaan Panlalawigan ng Nueva Ecija. –Ulat ni Myrrh Guevarra.