Tinuldukan na ni Vice Mayor Anthony Umali ang pag-gi-gi-it ng pitong konsehales na amyendahan ang Resolution No. 003-2016 o Alituntuning Pangloob sa Ika-Siyam na Regular Session ng Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan.
Sa simula pa lamang ng session, ay humirit na si Kon. Mario Seeping na itulak ang naturang amyendasyon na mailagay sa agenda ng tinatalakay na session.
Ayon sa Bise Alkalde, masiyado ng naabala ang Sanggunian sa pauli-ulit na pagpupumilit ng mga konsehal na isulong ang isang bagay na iligal.
Ngunit, tila wala ng nadidinig ang mga konsehal.
Hamon ni Vice Mayor Umali, malaya ang mga propenent na dalhin sa korte ang kanilang isinusulong na panukala.
Matatandaan na noong una ay apat na Konsehal (Kon. Ruben Ilagan, Kon. Rosendo Del Rosario. Kon. Epifanio Posada at Kon. Emmanuel Liwag) lamang ang may akda ng itinutulak na panukala. Ngunit ngayon, ay pito na. Sumali na dito sina Kon. Mario Seeping, Kon. Froilan Valino at Kon. PB Garcia, habang noted si Kon. EJ Joson.
Tila napagkakaisahan man ng mga kasama sa Sanggunian, ay hindi masisi ng Bise Alkalde ang mga proponent dahil naniniwala aniya siya na ang mga konsehal ay biktima lamang. –Ulat ni DANIRA GABRIEL