Pagpasok ng tag-ulan, inaasahang ipagpapatuloy na ang pagtatanim ng giant bamboo sa walong barangay sa bayan ng Gabaldon.

   Bilang bahagi ng Gabaldon Rehabilitation Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa pamumuno ni Governor Czarina Umali ay magkakaroon ng plantasyon ng mga higanteng kawayan sa mga barangay ng Bagting, Calabasa, Ligaya, Malinao, Pantoc, Poblacion, at Bantug sa naturang bayan.

Si Engr. Willie Pangilinan, Chief of Environment and Natural Resources Office.

Si Engr. Willie Pangilinan, Chief of Environment and Natural Resources Office.

   Matatandaan na matapos manalasa ang bagyong Lando sa lalawigan ay sinimulan sa pangunguna ni Former Governor Aurelio Umali ang Giant Bamboo Planting Program sa Gabaldon.

   Ayon kay Environment and Natural Resources Officer Willie Pangilinan, inaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ang pagpirma ni Governor Cherry Umali at dalawampong CLOA o Certificate of Land Ownership holders mula sa mga nasabing barangay sa MOA o Memorandum of Agreement upang i-develop ang kanilang mga nakatiwangwang na lupain.

   Paliwanag ni ENRO Pangilinan, malaki ang soil holding capacity ng bamboo kaya makatutulong ito para mapigilan ang pagguho ng kabundukan sa Gabaldon. Lahat din ng parte nito ay mapakikinabangan na pwedeng pagkakitaan, bukod pa sa pagiging carbon absorbing nito na makababawas sa polusyon sa hangin. – ulat ni Clariza de Guzman