
President Jacoba, Hinihintay nalang ang (IRR) Implementing rules and regulations upang malaman kung paano maaveil ang nasabing scholarship.
Sa panayam kay President Feliciana Jacoba ng NEUST, sinabi nitong sinusuportahan nila ang programa ng CHED na libreng tuition fee para sa lahat ng mga mag-aaral.
Magandang hakbang aniya ito ng gobyerno para mas maraming mag-aaral ang makapag-aral.
Dagdag pa ni President Jacoba, Hinihintay nalang nila ang implementing rules and regulations dahil ito raw ang magiging basehan nila kung paano maavail ang scholarship.
Nilinaw din nito na hindi pa niya nakita ang buong detalye ng Republic Act maging ang IRR, pero ayon sa kaniyang pagkakaalam ito ay para sa isang daan at labingtatlong state universities and colleges sa buong Pilipinas.
Sa ngayon ay mayroong 19, 990 na mag-aaral ang buong university system, kung ipatutupad ang libreng tuition fee, mahigit kumulang dalawampung libong estudyante ang matutulungan nito.
Kung noon ay tinatayang 25, 748 ang nakapag-aaral, ngayon ay nabawasan umano ang bilang nito na bumaba sa dalawamput isang libo dahil sa implementasyon ng k12.
Wala pa man ang batas na free tuition ay mayroon ng scholarship ang mga estudyante, kabilang ang tulong dunong at ESGP, kung saan ay mayroong mahigit isang daang miyembro ng 4ps, na scholar ng CHED.
Bukod naman sa Neust, kabilang din ang CLSU sa mga unibersidad sa lalawigan na mabibigyan ng libreng tuition fee.
Patuloy namang inaalam ang mga bayarin kagaya ng miscellaneous fee kung ito ba ay kasama rin sa hindi babayaran ng mga estudyante, Magsisimula naman ito sa 1st semester ng school year 2017-2018 sa darating na June. –Ulat ni Myrrh Guevarra.