Pinangunahan ng Ina ng Lalawigan ang pagpapasinaya ng Development Bank of the Philippines (DBP) Palayan branch na itinayo sa loob ng compound ng Kapitolyo.

   Sa pahayag ni Gov. Cherry Umali, ang DBP ay hindi pangkaraniwang bangko, kapartner aniya ito ng gobyerno at mamayan sa paghubog ng kaunlaran. Lalong-lalo na sa mga probinsiya, katulad ng nueva ecija.

   Nangako din ang Punong lLlawigan na makikipagtulungan sa naturang bangko, para makapagbigay ng tulong sa mga magsasaka at maliliit na negosyante.

   Ang DBP Palayan branch ang ika-109 na sangay sa bansa at pangalawa sa probinsiya.

   Ayon kay Anthony Robles Officer In Charge ng DBP, tuloy-tuloy ang pagpapalawak ng kanilang sangay sa buong probinsiya. Sa katunayan ay inaasahan na magbubukas na din ang Gapan at San Jose branch sa susunod na taon.

   Samantala, nagkaroon din ng Memorandum Of Agreement sa pagitan ng Provincial Government at DBP na nagkakahalaga ng P132 million para sa renovation ng ELJ Hospital. -Ulat ni Danira Gabriel