Aliaga- Iniimbestigahan na umano ng mga otoridad ang nangyaring pagputol at pagnakaw sa cable wires ng Globe Telecom Cell Site sa Barangay Poblacion West III sa bayan ng Aliaga.
Ayon sa salaysay ng caretaker ng cell site na si Joselito Cabagay, bandang alas singko trenta ng madaling araw nagtungo siya sa compound upang patayin ang mga ilaw nang mapansin nyang bahagyang nakabukas ang gate sa harapan at wasak ang padlock nito.
Agad na iniulat ni Joselito sa Area Supervisor ang insidente na nagsagawa ng ocular inspection sa palibot ng tower.
Sa pagberipika sa lugar nadiskubre ang pagkawala ng assorted grounding wires na tinatayang nasa labingwalong metro ang haba at tinatayang nagkakahalaga ng Php 30, 000.00, kabilang din ang isang storage battery ng Genset Generator, at dalawang piraso ng buss bar na hindi pa natutukoy kung magkano.
Guimba- Isinugod sa ospital ang tindero matapos itong paluin ng bote ng alak sa ulo ng isang lasing na customer.
Base sa ulat ng Gumiba Police Station, dakong alas dyes ng gabi inutusan ng kanyang amo ang biktimang si Jeffrey Enriquez, stay-in employee ng Trojie’s Bakery/ Store sa barangay Guiset bayan ng Guimba na isara na ang tindahan.
Nang marinig ito ng suspek na si Joel Mendoza Jr. y Angeles, disinueve anyos, binata, residente ng naturang barangay, na kasalukuyan pang umiinom ng alak ay sinabihan nito ang biktima na huwag munang isara ang tindahan ngunit hindi siya pinansin ng biktima.
Dahil dito ay bigla na lamang pinukpok ng suspek ng bote ng alak ang ulo ng biktima. – Ulat ni Clariza de Guzman.
https://www.youtube.com/watch?v=FdCFFQEx2D0