Umaasa si outgoing Secretary Janette Loreto-Garin ng Department of Health na ipagpapatuloy ni President-elect Rodrigo Duterte ang mga programang pangkalusugan na nasimulan sa kanyang  panunungkulan.

Isa ang enhanced DTTB program o Doctor to the Barrio Program sa mga programa ng DOH na nais na ipagpatuloy ni outgoing Sec. Janette Garin sa ilalim ng pamumuno ni President-elect Rodrigo Duterte.

Isa ang enhanced DTTB program o Doctor to the Barrio Program sa mga programa ng DOH na nais na ipagpatuloy ni outgoing Sec. Janette Garin sa ilalim ng pamumuno ni President-elect Rodrigo Duterte.

   Sa eksklusibong panayam ng Balitang Unang Sigaw kay Secretary Garin, isa-isa nitong binanggit ang mga mahahalagang naipatupad na programa sa panahon ng kanyang paglilingkod sa DOH.

   Pangunahin ang School-Based Immunization Program, o pagpapabakuna sa mga kabataang mag-aaral; at pagdaragdag ng healthcare professionals sa ilalim ng Public Health Associates, at Universal Health Care Implementers o ang mas pinalawak na DTTB o  Doctors to the Barrio Program.

    Sa dalawang huling programa, binibigyan ng tsansa ang mga graduate na nurse at doctor ngunit hindi pa nakakapasa sa board exam na madagdagan ang kanilang experience, magkaroon ng exposure, at makapagtrabaho.

     Natutugunan din umano nito ang kakulangan sa mga healthcare workers sa mga kabukiran, at mga malalayong lugar, katulad ng kawalan ng mga doktor sa mga baryo, na dapat sana ay may isang doktor kada isanlibong pasyente, na problema na noon pang taong 1993 sa panahon ni dating DOH Secretary Juan Flavier kaya inilunsad nito ang DTTB program.

Si outgoing DOH Sec. Janette Garin habang pinagkakalooban ng plake ng pagkilala nina (kaliwa) DOH Region 3 Dir. Leonita Gorgolon at (kanan) Asst. Regional Dir. Louellah Estember.

Si outgoing DOH Sec. Janette Garin habang pinagkakalooban ng plake ng pagkilala nina (kaliwa) DOH Region 3 Dir. Leonita Gorgolon at (kanan) Asst. Regional Dir. Louellah Estember.

     Ipinagmamalaki ni Secretary Garin na matagumpay na naisakatuparan ang mga programa ng DOH dahil sa pagpupursige ng gobyerno sa pagpapatupad ng sin tax law o dagdag na buwis sa alak at sigarilyo na nakalikom ng umaabot sa one hundred forty billion pesos na ginagamit ng pamahalaan sa health services.

     Malaki rin aniya ang naging tulong ng pakikiisa ng mga DOH Regional Offices, kabilang ang DOH Region 3 sa pamumuno ni Regional Director Leonita Director na pinuri niya bilang isa sa mga pinaka aktibong tanggapan.- ulat ni Clariza de Guzman