Iniulat ni Provincial Treasurer Rosario Rivera sa Budget Hearing ng Committee of the Whole ng Sangguniang Panlalawigan na posibleng bumaba ang koleksyon ng amilyar sa probinsya dahil sa pagsalanta ng bagyong Karen at Lawin.

Apektado umano ng kalamidad ang koleksyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, partikular ang singilin sa Real Property Tax o amilyar dahil mayorya ng mga tax payers ay magsasaka.

Apektado umano ng kalamidad ang koleksyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, partikular ang singilin sa Real Property Tax o amilyar dahil mayorya ng mga tax payers ay magsasaka.

   Mayorya sa mga tax payers sa lalawigan ay pawang mga magsasaka, kaya epekto ng kalamidad ay nalugi at nasira ang mga pananim na palay ng mga ito dahilan upang hindi sila makabayad ng kanilang Real Property Tax.

   Sa kasalukuyan ang may pinakamalaking Real Property Tax na binabayaran ay ang First Gen-Hydro Power Corporation sa Bayan ng Pantabangan na umaaabot sa 37 million pesos, na dati ay ang Casecnan Water and Energy Company Incorporated.

   Kumokolekta dati ng 134. 8 million pesos kada taon ang probinsya mula sa Casecnan, ngunit dahil sa Executive Order 173 na ipinatupad ni Dating Pangulong Noynoy Aquino na nagbabawas sa RPT at interest na binabayaran ng mga Independent Power Producer ay malaki ang ibinaba nito.

   Ayon kay Rivera, nakapagbayad ang Casecnan ng mahigit sa 1.6 billion pesos base sa old assessment level ng Real Property Tax, ngunit dahil sa pagpasok ng EO 173 ay lumalabas na nagkaroon ng over payment ang Casecnan na umaabot sa mahigit 1.2 billion pesos.

Si Provincial Treasurer Rosario Rivera habang iniuulat ang Income Resources ng probinsya sa Budget Hearing ng Sangguniang Panlalawigan.

Si Provincial Treasurer Rosario Rivera habang iniuulat ang Income Resources ng probinsya sa Budget Hearing ng Sangguniang Panlalawigan.

   Bumaba rin ang koleksyon ngProvincial Government mula sa shares ng STL, kung dati ay umaabot ito sa isang milyong piso quarterly , ngayon ay umaabot na lamang ito sa limang daang libong piso.

   Isa ang buwis sa mga pinagkukunan ng kita ng probinsya na ginagamit sa mga pagawain o proyekto para sa kapakinabangan ng mga mamamayan nito. –Ulat ni Jovelyn Astrero