Binoga umano ng kanyang nakaalitan ang isang construction worker sa Purok Amihan, barangay Barrera, Cabanatuan City.

   Nagtamo ng tama ng bala ng hindi pa natutukoy na baril sa dibdib ang biktimang si Ariel Tolentino y Paraiso, 42-anyos, may asawa, at residente ng naturang lugar.

Isang alyas Leon umano ang nakaalitan ni Ariel Tolentino at itinuturong bumaril dito sa brgy. Barrera, Cabanatuan City.

Isang alyas Leon umano ang nakaalitan ni Ariel Tolentino at itinuturong bumaril dito sa brgy. Barrera, Cabanatuan City.

   Base sa imbestigasyon ng Cabanatuan Police Station, 11:30 ng gabi nang barilin ng isang alyas Leon yang biktima matapos ang mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa.

   Nagawang makatakbo ng biktima palayo sa suspek ngunit makaraan ang ilang sandali ay natunton ang biktima na nakahandusay sa isang iskinita at wala ng buhay.

   Samantala, ninakawan umano ng mga hindi nakilalang suspek ang bahay ng isang negosyante sa barangay San Josef Sur, Cabanatuan City.

 Ang labas ng bahay ni Amor de Guzman na ninakawan umano sa brgy. San Josef Sur, Cabanatuan City.

Ang labas ng bahay ni Amor de Guzman na ninakawan umano sa brgy. San Josef Sur, Cabanatuan City.

   Batay sa report ng mga otoridad, 11:30 ng umaga nang madiskubre ng may-ari ng tahanan na si Amor de Guzman y Alfonso, 50, na nawawala ang kanyang mga alahas at Php6, 000.00 cash.

   Napag-alaman na nakapasok ang mga salarin sa bahay sa pamamagitan ng pagwasak sa screen door ng master bedroom sa second floor.

   Sa lungsod pa rin ng Cabanatuan, isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa gilid ng kalsada sa Kalye Vicente, Purok 6, barangay Sumacab Norte.

   Natagpuan ng Bantay Bayan na si Randy Sale ang bangkay ng isang lalaki sa brgy. Sumacab Norte.

Natagpuan ng Bantay Bayan na si Randy Sale ang bangkay ng isang lalaki sa brgy. Sumacab Norte.

   Ayon kay Randy Sale y Estares, miyembro ng Bantay Bayan, 6:00 ng umaga nang matuklasan niya ang katawan ng biktima.

   Nakapiring ang biktima, nakagapos ng nylon cord, at may nakasabit na cardboard sa katawan na nagsasabing”MAGNANAKAW AKO WAG TULARAN”.- ulat ni Clariza de Guzman.