Naging matagumpay ang Brigada Eskwela ng San Josef national High School sa ipinakitang pagkakaisa ng mga estudyante, magulang at mga kapulisan sa isinagawang Brigada Eskwela May 21, 2019 sa naturang paaralan.

Sa ikalawang araw ng Brigada eskwela o National Maintenance Week ngayong taon ay pumarada ang mga guro ng SJNHS o San Josef National High School upang makiisa sa sabayang paglulunsad ng aktibidad sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Nakiisa rin ang iba’t – ibang ahensiya ng gobyerno sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela sa pamamagitan ng Inter – Agency Taskforce, na pinangunahan ng Department of Education, katuwang ang mga serbisyo ng pulisya, trapiko at iba pa.

Ipinakita din ng mag-aaral ang kanilang talento sa pagsayaw gamit ang orihinal na komposiyon para sa Brigada Eskwela 2019.

Binuksan din ng mga guro ang BRIZAAR o Ukay – ukay upang makalikom ng pondo para sa proyekto ng eskwelahan na mabilan ng mga sapatos ang kanilang mga estudyante.

Siniguro naman ni Leonora De Jesus, Principal II, na handa ang nasabing paaralan upang magamit para sa pagbubukas ng taong panuruan.

Walang hanggang pasasalamat din ang inihayag ni Principal De Jesus at Brigada Eskwela Coordinator Junmel Valientes, sa sama – samang pagkilos ng lahat upang magtulong – tulong sa paglilinis.

Sinimulan ang Brigada Eskwela noong Ika- 20 ng Mayo at matatapos sa ika – 25 ng Mayo na may Temang : “Matatag na Bayan Para sa Maunlad na Paaralan”.

Simula nang ilunsad noong 2003, naging kapaki-pakinabang ang Brigada Eskwela sa paghahanda sa mga eskuwelahan para sa muling pagpasok ng mga mag-aaral at guro matapos ang matagal na bakasyon. Ulat ni Joice Vigilia / Jessa Dizon