Iniluklok bilang bagong Presidente ng liga ng mga Bise Alkalde ng Nueva Ecija si Cabanatuan City Vice Mayor Doc Anthony Umali na ginanap sa La Parilla Hotel, Cabanatuan City.

Solidong sumuporta kay Umali ang kaniyang mga kapwa Bise-Alkalde, dahil walang sinuman ang nagtangkang lumaban sa posisyon na kanyang tinakbuhan. Maging ang kanyang mga katiket sa grupo ay pawang mga wala ring nakalaban.

Lubos na ipinagpasalamat ni Umali ang pagkakaisa ng liga. Lalo na ito ang kanyang unang termino bilang Bise Alkalde sa politika.

Dagdag pa ni Umali, asahan aniya ng kaniyang mga kasamahan sa liga na siya ay magiging bukas at patas sa lahat.

32 bise alkalde na bumubuo ng VMLP-NE, kasama sina Gov. Cherry Umali, Former Gov. Oyie Umali at DILG-NE PD Renato Bernardino.

32 bise alkalde na bumubuo ng VMLP-NE, kasama sina Gov. Cherry Umali, Former Gov. Oyie Umali at DILG-NE PD Renato Bernardino.

Naupo naman bilang Vice President si VM Glenda Macadangdang ng San Jose City; VM Jobby Emata ng bayan ng Gabaldon bilang Secretary General; VM Anselmo Rodiel III ng bayan ng Talavera bilang Treasurer; VM Elizabeth Vargas ng bayan ng Aliaga bilang Auditor; VM Santy Austria ng bayan ng Jaen bilang PRO at inihalal bilang Board of Directors sina Inocencio Bautista Jr ng Gapan City; Tekila Grace Alvarez ng Science City of Muñoz, Evangelina Bautista ng San Leonardo, Hector Bayro Jr ng Laur, Efren Alfonso Jr ng Carranglan, Henry Eslaya ng Palayan City, Melvin Pascual ng General Tinio at Rossman Uera ng Pantabangan.

Kumpletong dumalo ang tatlumpu’t dalawang bise alkalde ng probinsiya sa naturang pagtitipon. Ito ay pagpapakita na ang lahat ng munisipalidad at siyudad ng lalawigan ay nagkakaisa at walang halong politika.

Sa pahayag ni Umali, ang isa sa mga bagay na higit niyang natutunan sa panunungkulan ay ang pagkakaroon ng mababang loob.

Ikinwento niya na bago maganap ang nasabing pagtitipon ay personal umano niyang kinausap si Mayor Boyet Joson ng bayan ng Quezon upang hingin ang pahintulot nito na maimbitahan at makasama ang kanyang anak na si VM Dean Joson.

Matapos na maiproklama ni DILG Renato Bernardino ang mga nanalo ay sabay-sabay nanumpa ang mga bagong opisyal ng liga sa harap ni Gov. Cherry Umali.

Sa talumpati ni Gov. Umali, hinikayat niya ang mga Vice Mayor na dumalo at suportahan ang nakatakdang Agri Summit na gaganapin sa Sept. 2 at Drug Summit na idaraos sa Sept. 16. Kasama din niyang dumalo sa pagtitipon ang kaniyang kabiyak na si Former Gov. Aurelio “Oyie” Umali na aktibong nagsulong ng mga programa para sa Agrikultura at kampanya laban sa iligal na droga sa kanyang termino.

Ang Agri Summit ay bahagi ng programa ng Pamahalaang Panlalawigan na gawing Agri-industrial ang buong probinsiya. -Ulat ni Danira Gabriel