May fatality rate o death rate ang virus na ito mula 24 hanggang 88%.

Kayang pumatay ng virus na ito sa loob lamang ng dalawa hanggang dalawampu’t dalawang araw.

Kinatatakutan at pinangingilagan

Yan ang ating Killer Virus

ang Marburg Hemorrhagic Fever o Marburg Virus Disease

 

Ang Marburg Virus ay unang natuklasan noong 1967 sa Mauburg , Germany . Ang virus na ito ay galing sa mga  unggoy na galing Uganda.  Ang Marburg ay kauwi ng Ebola virus ang isa sa pinaka malakas na uri ng virus na pumapatay ng syam sa sampung dadapuan nito. Sa loob ng 1967 hanggang 2013 ay may iba’t ibang kaso ng Marburg sa iba’t ibang lugar.

Pwede hawa ng Marburg disease galing sa suka, dugo, laway, ihi at ano mang uri ng body fluid galing sa taong  may Marburg disease.

Sa sobrang bangis ng Marburg disease kailangang gumamit ng tatlong gloves, googles at hindi dapat nakikita ang kahit na anong parte ng katawan ng mga health workers na gumagamot sa mga dinapuan ng Marburg disease.

Sa una ay nakakaranas ng  sakit ng ulo, pamamaga ng kasukasuhan, sakit ng katawan, rashes, lagnat, pag susuka at diarrea.

Sa loob lamang ng ilang araw ay mabilis lumalala ang Marburg at ito ay nag papakita ng mas malalang sintomas. Inaatake ng Marburg ang lahat ng internal organ ng taong may marburg disease hanggang sa dumugo ang lahat ng parte ng katawan at organ nito. Isang mabagal at nakapangingilabot na kamatayan sa sino mang dadapuan  ng Marburg virus.

Mula taong 1967 hanggang 2008, tinamaan na ng Marburg disease ang mga bansang Germany, Yugoslavia, South Africa, Kenya, Democratic Republic of Congo,Uganda, USA at Netherlands.

Kung saan sa Angola naitala ang pinaka mataas na bilang ng mga infected ng marburg disease.

Sa 374 cases ng Marburg sa Uganda,

329 dito ang kumpirmadong patay, o 88% death rate.

Sa bagsik ng Marburg Disease ang mga doktor ay nag bibigay na lamang ng nutrisyon at  ng pain reliever. Kakaunti lamang ang nakakaligtas dito dahil karamihan ng mga tinatamaan ng marburg disease ay hindi na gumagaling  pa. Mabagsik man ang Marburg ay na pigilan ang pag laganap nito.

Chlorine ang pangunahing panlaban ng mga doctor at health workers upang mapuksa ang Marburg disease. Lahat ng kumpirmadong namatay  dahil sa marburg ay sinusunog o dini disinfect ng chlorine solution upang mamatay ang virus na naka kapit dito upang hindi na makapang hawa pa.

Gayunpaman walang vaccine o gamot ang Marburg at kapag ang isang tao ay dinapuan na nito wala nang kasiguraduhan na sya ay makaka ligtas pa sa bangis ng Marburg virus disease.

Ang Marburg disease ay isa lamang sa nakapa ngingilabot na killer virus sa mundo.

Bukas ating  tatalakayin ang

Hanta virus, isang uri ng nakamamatay virus na galing sa mga daga

Ito ang ating pag uusapan

Sa  balitang unang sigaw

Killer virus

 

[youtube=http://youtu.be/F2Qnqr5Lvg4]