Isa sa pinaka delikadong uri ng virus na kayang pumatay sa loob lamang ng ilang araw. Ang virus na pumatay sa halos lahat ng nadadapuan ng virus na ito at hanggang ngayon ay walang lunas o gamot

Yan ang ating killer virus

Ebola  virus disease.

Unang na diskubre ang Ebola virus sa ebola river republika ng zaire noong 1976.sa kasalukuyan ay may limang klasipikasyon ang ebola virus .

Ito ay ang

Bundibugyo Ebolavirus,

Reston Ebola Virus,

Sudan Ebola Virus,

Tai Forest Ebola Virus,

at Zaire Ebola Virus.

Kung saan ang Zaire Ebola Virus  ang may pinaka mataas na kill rate na umaabot sa 90% o  syam sa sampung daapuan nito ang siguradong mamamatay dahil sa Ebola  Virus. Ang Ebola Virus  ay mabilis na kumakalat sa loob ng katawan ng isang tao.

Sa una ay simple lamang ang mga sintomas ng sakit na ito.

Katulad ng

Lagnat

Pananakit ng ulo

Mananakit ng mga kalamnan

Sore throat

Panghihina

At diarrhea

Sa loob lamang ng ilang araw ay mabilis na lumalala  ang sintomas nito.

Ang mga sintomas nito kadalasan na nakaka ranas ng

Pag hihirap sa pag hinga

Pagkakaroon ng rashes

At ang nagiging dahilan ng kamatayan ng  mga biktima nito ay

Ang pag durugo sa labas at loob ng katawan.

Ang nakapa ngingilabot na virus na ito ay walang lunas o gamot. Binibigyan lamang ng electrolytes, nutrition at oxygen ang mga biktima ng Ebola  at ipinag dadasal na gumaling ang mga dinadapuan nito. Gayunpaman  ay isa lamang sa loob ng sampung dinadapuan nito ang nakaka ligtas sa bagsik ng Ebola Virus.

Sa mga  video na inilabas ng mga sayantipiko at mga health workers ay makikita ang hirap na pinag dadaanan ng mga biktima ng Ebola bago tuluyang mamatay  ilang araw pagkatapos nitong makuha ang sakit.

 

Simula noong 1976 ay libu-libo na ang pinatay ng Ebola virus sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Ilan dito ay ang

Republic of Congo

Sudan

United States of America

Italy

Gabon

Ivory Coast

Uganda at

South Africa at noong taong 1989, 1990, 1996 at 2008 ay nagkaroon din ng mga kaso ng Ebola Reston Virus sa loob ng Bansang Pilipinas kung saan apat na katao noong 2008 ang positibo sa Ebola Reston Virus.

Sa kasalukuyan ay kumakalat ang Ebola Virus sa

Guinea

Liberia

At Sierra Leone

Ang Ebola Virus  katulad ng iba pang mababangis na uri ng virus ay nanggaling sa mga hayop. Pinaniniwalaang ito ay nanggaling sa mga fruit bats, african monkey at kamakailan nga dito sa pilipinas ay pinaniniwalaang ito ay galing sa karne ng baboy .

 

Agad na quaratine ang mga hinihinalang source nito, kaya naman napigilan ang pag kalat ng Ebola sa ating bansa.

 

Hanggang ngayon  ay walang lunas o gamot na kayang puksain ang Ebola Virus. Wala itong paraan upang mapuksa kundi ang pag sunog sa mga bangkay at bahay ng mga dinadapuan nito.

Ang hemmoragic fever na dala ng Ebola Virus  ang isa sa nakaka takot na abilidad ng virus na ito.lumalabas ang dugo sa mata, ilong at iba pang parte ng katawan ang dugo at  nagkakaroon din ng internal bleeding ang mga biktima na hindi kayang pigilan o iwasan gamit ang ano mang klase ng gamot.

Sa ngayon ang Ebola ang isa sa pinaka mabagsik at pinaka naka mamatay na uri ng virus  na nananalasa sa buong mundo.

Ang bansang katulad ng pilipinas ay walang matataas na uri ng aparato at mga kagamitan  upang i monitor ang mga lkalabas at papasok sa bansa.

Kaya naman  gumawa ng isa ng executive order ang pangulo ng bansa Benigno Aquino III noong May 26. Ang Executive Order 168 o ang Task Force on emerging Infectious Diseases o EID.

Ito ang mangangalaga, mag sasala, mag mo-monitor at mag ku-quarantine sa mga Pilipinong hinihinalang infected ng mga sakit.

Ilan sa mga babantayan ng eid ang Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS),  Avian Influenza,  Ebola,  at Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS CoV).

Layon ng task force na ito na maiwasan ang pag pasok ng mga nakamamatay na virus sa ating bansa. Sa ngayon ang Ebola ay patuloy na nananalasa sa ibang parte ng mundo.

 

Isang nakakatakot na virus na kumitil na sa buhay ng libong mga tao. Sa susunod na linggo ay ating tatalakayin ang ilan pang mga virus na ating kailangang bantay at iwasan.

 

Yan ang ating Killer Virus

Sa  balitang unang sigaw

Killer Virus

[youtube=http://youtu.be/jmlpccg2jeg]