Sumugod sa bukid ang libo-libong fans ng sikat na sikat na Kalyeserye Love Team na “ALDUB” sa Science cCty of Muñoz, Nueva Ecija.
Makikitang literal na nakaguhit ang mukha nina Alden Richards at Maine Mendoza sa palayan ng Future Rice Farm ng Philippine Rice Institute o PhilRice.
Ayon kay Program Leader Roger Barroga, layunin ng programa na mahikayat ang mga kabataan na magkaroon ng interes sa pagsasaka at agrikultura.
Ang teknik ay inadopt mula sa bansang Japan. Kung saan, sa pamamagitan ng tinatawag na Anamorphosis Principle ay maaari mo ng makita ang imahe sa piling anggulo ng
artwork. Dalawang uri ng palay ang ginamit dito, ang purple at green rice na pinagtulungan na itanim ng tatlumpung katao.
Unang ginawang Paddy Art ng PhilRice ang mukha ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal. Ito na ang ikalawang imahe na kanilang itinampok sa Futurer Rice Farm.
Nagsimula itong buksan sa publiko noong March 15. Sa loob lamang ng isang buwan ay mahigit sa limang libong katao na ang bumisita sa PhilRice upang masilip at makapagpakuha ng litrato sa Paddy Art.
Extended ang AlDub Rice Art hanggang April 30. -Ulat ni Danira Gabriel