Nagsagawa ng Special One Time Big Time Operation ang Criminal Investigation and Detection Group sa Lalawigan ng Nueva Ecija na nagresulta sa pagkaka-aresto ng 38 katao at pagkakakumpiska ng 63 assorted loose firearms at 1086 ammunitions.

     Sa datos na iprenisinta ni PNP Provincial Director Senior Superintendent Manuel Cornel, nasa 123 search warrant ang kanilang naihain sa kabuuan ng Nueva Ecija noong martes kung saan labing syam ang nagpositibo dahilan sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Mas pinaigting pa ng pinagsanib pwersa ng National Police, Philippine Army at Criminal Investigation and Detection Group ang One Time Big Time Operation sa Nueva Ecija bilang bahagi ng kampanya sa tahimik at ligtas na Eleksyon sa Mayo.

     Labing walo sa animnaput tatlong loose firearms ang boluntaryong isinurender o isinuko sa kapulisan, kung saan ilan sa mga nagsurrender ay mga Barangay Officials.

     Hinikayat ni PNP Regional Director Police Chief Superintendent Rudy Lacadin ang publiko na hangga’t maaga ay isurrender na sa kanila ang mga hindi lisensyadong baril, upang maiwasan ang pagkakaroon ng kaso.

Loose firearms na nakumpiska sa ilang bahagi ng Lalawigan ng Nueva Ecija sa isinagawang Special One-time-big-time operation ng kapulisan.

Loose firearms na nakumpiska sa ilang bahagi ng Lalawigan ng Nueva Ecija sa isinagawang Special One-time-big-time operation ng kapulisan.

     Mapaparusahan ng tatlumpong taong pagkakakulong at may bail bond na dalawang daang libong piso ang sinumang lalabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions.

     Aabot na sa mahigit isang daang mga loose firearms ang nakumpiska ng kapulisan sa buong probinsya simula buwan ng Enero 10 hanggang sa kasalukuyan.

     Samantala, naidagdag sa listahan ng COMELEC ang Nueva Ecija bilang isa sa mga itinuturing na hot spot kaugnay ng gaganaping eleksyon sa Mayo.