Simula September 1 ng taong ito ay magkakaroon na ng bagong Contribution Payment Form ang SSS o  Social Security System upang higit  na maging mabilis para sa mga miyembro na ma-consolidate o pagsamahin ang kanilang bayarin para sa mga individual payers.

Ang gagamit nito ay ang mga miyembro na voluntary, self-employed, OFW’s at non-working spouses.

Ang mga employers naman ay patuloy na ga­gamitin ang SSS form r5 sa pagbabayad ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado hanggang sa maubos ang stock ng naturang mga forms.

Inaasahan na gagamitin ang bagong Contribution Payment Form ng mga employers simula sa November 1, 2015.

Habang ang isa pang bagong form na babaguhin na rin ng ahensya ay ang Personal Record Form. Inaasahan naman itong gamitin sa unang bahagi ng susunod na taon.

Para sa ano mang katanungan sa bagong Consolidated Contribution Form ay maaaring tumawag sa SSS call center sa 920-6446 at website na www.sss.gov.ph. -ulat ni Danira Gabriel