Gitgitan ang naging laban ng Lacson Golden Lions at WUP Knights pagdating sa basketball sa ginanap na tune-up game sa Wesleyan University Gym kahapon. Kaugnay ito ng paghahanda sa magaganap na laban ng NECSL Season 3 o Nueva Ecija Collegiate Sports League sa darating na August 20, 2014. Bagamat ito ay isa lamang sa kanilang pagsasanay, kaliwa’t kanan ang ginawang dipensa ng magkabilang koponan upang hindi malusutan ng kalaban.Maganda ang ipinakita ng Lacson Golden Lion kung saan abot ang pakawala ng kanilang mga players ng sunod-sunod na pagpasok ng bola na naging dahilan ng kanilang paglamang sa 1st at 2nd quarters.
Subalit hindi pumayag ang WUP KNIGHTS, kaya lalo pa nilang pinaigting ang kanilang depensa.Kung saan mas naging alerto ang KNIGHTS pagdating sa pag-agaw ng bola, maganda ang naging resulta ng kanilang man to man depense at supalpal naman ang ginawa ni jersey #10 sa kanilang katunggali.Ayon kay Alvin Rey, Coach ng WUP Knights karamihan ng kanilang players ay mga bago, kaya naman ang bawat kilos o laro ng kanyang players ay kanyang pinag-aaralan upang matukoy kung sinu-sino ang ipapasok sa line-up pagdating ng laban.
At dahil sa matinding determinasyon ay nakabawi ang knights pagdating sa 3rd at 4th quarters.Ayon kay Ronnie Amoncio, Coach ng Lacson Golden Lion, nahirapan ang kanilang team pagdating sa last quarter kung saan nagsagawa ng trap defense ang kanilang katunggali. – Ulat ni Joyce Fuentes