Nauuso na ngayon ang pag aalaga ng mga exotic pets dito  sa Nueva Ecija  kaya naman nagpaalala ang Nueva Ecija Exotic keepers na kailangan ay may sapat na kaalaman ang isang hobbyist at  kumuha lamang sa mga lehitimong breeders kung nais mag alaga ng mga exotic pets Burmese Python, Sulcata Tortoise at marami pang iba.

Si Joane Cruz ang kasalukuyang Presidente ng Nueva Ecija Exotic Club kung saan mayroon itong nasa 4,000 myembro. Katulad ng iba,  nung una ay natakot aniya sya sa mga exotic pets ngunit ng ma-appreciate nya ang mga ito ay nagsimula na syang mag alaga. Kung sa ibang tahanan ay aso at pusa ang alaga, ito naman ang mga house pet ni Joane na isang exotic pet keeper na nagsasagawa rin ng mga seminar sa iba’t ibang eskwelahan upang ipakita na hindi dapat katakutan ang mga exotic pets.

Iba’t ibang exotic pets, mayroon rin iba’t ibang personalidad

May kanya kanyang personalidad ang mga exotic pets katulad ni  cream na isang rescue ay sanay ng hinahawakan. Habang meron pa ring masusungit at may sariling lakad.  Katulad ni Burger na isang sulcata tortoise. Na kayang umabot sa timbang na 105 kilogram sa adult at  may life span na sobra pa sa 70 taon. Mga land animal ang sulcata at ang kailangan ay sapat na kaalaman upang maalagaan itong mabuti.

Maari aniya mag alaga ang kahit na sino ng mga exotic pets basta maibibigay ang mga pangangailangan ng mga ito at maaayos din ang mga kinakailangang papel sa Department of Environment and Natural Resources.

Paalala ng Nueva Ecija keepers, tamang impormasyon ang kailangan bago mag alaga ng ano mang hayop

Paalala rin ng Nueva Ecija Exotic keepers na wag kunin mula sa natural habitat ang mga reptiles at hayaan itong mabuhay sa wild. Kung nais naman maging exotic pet keeper maaaring mag tanong  sa mga keeper ng Nueva Ecija upang malaman rin ang mga proseso upang maging responsableng pet keeper. – Ulat ni Amber Salazar