Si Michael, isang aplikante na HOTS o Hired On The Spot.

Si Michael, isang aplikante na HOTS o Hired On The Spot.

Suki na ng mga Jobs Fair si Michael, mula ng siya ay umalis sa kanyang dating trabaho. Bagamat, tapos ng kursong Business Administration ay nahihirapan pa rin umano siyang makahanap ng mapapasukang trabaho sa dami ng mga kasabayan niyang aplikante.

Ngunit, swerte para sa kanya ang araw na yun dahil agad siyang nakuha bilang Cashier sa isang kumpanya.

Isa lamang si Michael sa humigit kumulang isang libong Job seeker na sumugod sa N.E Pacific Mall, upang magbakasakali na makahanap ng trabaho sa mga bakanteng kumpanya mapa-overseas o lokal man.

Ito na ang ikalawang Jobs Fair na isinagawa ng PESO o Provincial Employment Service Office ngayong buwan, kaugnay ng nalalapit na pagdiriwang ng Ika-119 taon ng unang sigaw ng Nueva Ecija.

Ayon kay Michael Calma, Chief Officer ng PESO, napakaraming bakanteng posisyon ang kanilang inilatag para sa mga Novo Ecijano.

Katuwang ang 25 lokal na kumpanya at 10 overseas recruitment agencies, ay libo-libong posisyon ang inihain para sa mga naghahangad na makapasok ng trabaho.

Kung saan, target ng kanilang opisina na 23% ng aplikante ay makapasok agad ng trabaho sa mismong araw na yun o tinatawag nilang HOTS o Hired On The Spot.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga aplikante sa Pamahalaang Panlalawigan sa oportunidad na ibinigay sa kanila.

Taon-taon ay apat na Jobs Fair ang isinasagawa ng PESO at Provincial Government, upang matulungan ang mga Novo Ecijanong nagnanais na makahanap ng trabaho. -Ulat ni Danira Gabriel

[youtube=http://youtu.be/1jG0lIom5gU]