Naging matagumpay ang Hakab 2015 kung saan dinaluhan ito ng mga ina at kanilang mga babies na ginanap sa Human Nature Branch Cabanatuan City.

Ang Human nature ay isang mother and expecting mother friendly store lalo pa at organiko ang mga sangkap ng kanilang mga items.
Sinuportahan din ito ng Ama ng Lalawigan Governor Aurelio Umali at Congresswoman Cherry Umali lalo pa at tunay na mahalaga ang breast feeding sa mga sanggol.
Malaking bagay para sa mga ina ang pag papa-suso ng kanilang mga anak. Hindi lamang ito mas masustansya kundi isa na rin itong bonding moment para sa mag ina. Kaya naman sa pag buo ng Hakab Na Nueva Ecija naki-isa ang mga nanay at kanilang mga cute nma babies sa activity na ito.
Sinabi dito ang iba’t ibang paraan upang comportableng pag be-breast feed sa sanggol. Parami ng paraming ina ang hindi na nakakapag breastfeed ng kanilang mga anak at ito ang ilang rason ayon sa UNICEF

Reasons For Not Breastfeeding // Data from UNICEF
Ang kabuuang total na dami ng bilang ay umabot na sa 49 % o halos kalahati sa total na bilang ay gumagamit ng formulated milk at hindi nagpapasuso. Kaya naman todo ang suporta ng mga magulang sa Hakab upang ma-promote ang pagbibigay ng gatas ng ina sa mga sanggol.
Para sa mga mommy na hindi nakadalo sa nasabing event ay maaari pa rin silang kumotact para makahingi ng tulong at suporta lalo na ang mga first time breast feeding mommies. –Ulat ni Amber Salazar