1Sa pangunguna ng CLMA-NE o Central Luzon Media Association ay naganap ang Benefit Dance and Fitness o Zumba Exercise na may temang “ Mag-Ehersisyo, Magsaya. Kasama ka ng CLMA Nueva Ecija”

Ang naturang aktibidad ay ginanap sa Nueva Ecija High School Gymnasium Cabanatuan City.

Ang fun activity na ito ay may layunin na makatulong para sa samahan ng CLMA o central Luzon Media association Nueva Ecija Chapter Officers and members kasama pang kasapi sa pagseserbisyo tulad ng Medical assistance, Educational Program, Refresher Seminar, Lakbay aral at iba pang Livelihood Programs.

Pinakatampok naman sa naturang ehersisyo ang sikat na actress na si Regine Tolentino at siyang nakipaghatawan sa buong oras ng pagzuzumba.

Si Regine Tolentino aydating host, dance star at isang performing artist at napapanuod sa morning show na  “Unang Hirit” sa kanyang dance segment .

Ang zumba ay isang uri ng Dance Fitness  at isang Aerobic element na pinasimulan ng mga Colombian dancers at choreographers noong taong 1990.

2Ang ilang uri ng mga sayaw nna nakapaloob sa zumba ay tulad ng hip-hop, soca,samba, salsa, merengue at mambo.

Ilan sa mga benepisyo na makukuha mula sa pagzuzumba ay tulad ng weight loss, pangalawa upang maging maayos ang ating cardiovascular health, ikatlo nagiging stress reliever din ito,nagkakaroon ng positive self image, kasunod pa ay maiimprove ang iyong body coordination at marami pang iba.

Alam ng ating mga kababayan kung gaano kahalaga ang kalusugan lalo na sa mga may edad upang mapanatili ang maayos na katawan, postura at makapagpapalawig din ito  ng buhay lalo’t mas ginagawang bisyo ang pag-eehersisyo kaysa anung bagay na maaring makasira sa kalusugan ng isang tao. Ulat ni Bituin Rodriguez