Nagpatawag ng meeting ang PDRRMC kaugnay sa patuloy na pag ulan na naranasan nitong nakaraang linggo sa lalawigan ng Nueva Ecija dahil sa patuloy na pag ulan. Nag dulot na ito ng pag baha at nasalanta na rin nito ang mga pananim ng ating mga kababayan.
Nag bigay ng partial result ang Department of Agriculture (DOA) sa datus ng mga bayan na nasalanta ng habagat.

Dami ng nasalantang pananim sa Nueva Ecija (Partial) ayon sa Department of Agriculture

Jaime Campo, Chief Meteorological officer PAGASA
Patuloy naman magbibigay ng assistance ang Department of Agriculture (DA) lalo na mga magsasaka na sobrang naapektuhan ng sunod sunod na pag ulan.
Naka bantay rin ang PAGASA na nag report sa PDRRMC kung ano ang kalagayan ng panahon sa mga susunod na araw.
Dito rin nag a-update ang ilang mga ahensya katulad ng Department of Agriculture (DA), DepEd , Department of Public Works and Highways (DPWH) kung mayroon na bang nasalanta ng bagyo o habagat sa ating mga bayan.
As of July 20, 2015 6 A.M. ay nasa 182.01 meters ang taas ng tubig sa Pantabangan Dam at ang flood season high water level nito ay nasa 216 meters pa.- Ulat ni Amber Salazar