Sumalang kahapon sa 1st Visit Annual Physical Examination Disposition ang limangdaan at walong pu’t limang mga kapulisan ng Nueva Ecija na ginanap sa Nueva Ecija Provincial Police Office Gymnasium, Cabanatuan City.

Ito ay may temang “Unang Katok Pangkalusugan para sa Kapulisan ng Provincial Regional Office 3”

Ito ay programa ng Regional Health Service 3 sa pangunguna ni Pssupt Jezebel D. Medina, Regional Chief Health Services ng Police Regional Office 3, sa pakikipagtulungan ng Jose Lingad Regional Memorial Hospital katuwang ang Department of Health.

Ayon kay Medina, noong taong 2017 ay nakapag tala sila ng top 3 diseases sa higit 1500 pulis sa buong rehiyon, ito ay ang sakit na Highblood, Diabetes, at Hypertension

Dagdag nito, ang higit 1500 na pulis na ito ay binigyan ng libreng gamot na pang isang taon, quarterly ay binibisita nila ang mga ito, at kada anim na buwan ay nagkakaroon sila ng laboratory examination.

Kahapon, higit 500 na pulis ang sumalang at kung sino man sa mga ito ang magpositibo sa top 3 diseases ay ang magiging pasyenteng sasailalim sa naturang programa.

Samantala, makakatanggap naman ang mga kapulisan ng No Balance billing Id mula sa Jose Lingad Regional Memorial Hospital sa darating na Mayo o Hunyo ngayong taon.

Magagamit lang ang card ng libre kapag ikaw ay na Confine o na Admit.