Naghatid ng kasiyahan sa ginanap na Christmas Party ng mga Kababaihan sa Bayan ng Guimba ang pagpapamalas ng kanilang talento sa pagsasayaw ng modern at folk dance.
Labing pitong barangay ang nagpasiklab sa pagsasayaw ng modern dance at labing pitong barangay din ang sumayaw ng folk dance, habang naghandog naman ng isang pampasiglang bilang ang mga Kapitana ng mga barangay ng naturang bayan.
Lalo pang nagpasigla sa pagdiriwang ang pagdalo nina Governor Czarina Umali at First Gentleman Aurelio Umali na malugod na sinalubong ni Mayor Boyong Boyong Dizon at ng mga Kababaihan.
Sa mensahe ni Former Governor Oyie Umali, sinabi nito na ang sekreto sa maganda at masayang pamayanan ay ang pagsuporta sa mga kababaihan.
Inanunsyo din ng Dating Gobernador na ang Pamahalaang Panlalawigan ay magkakaloob ng isang milyong piso para sa Samahan ng mga Kababaihan ng bayan ng Guimba.
Tumindi naman ang hiyawan dahil sa kasiyahan nang sabihin ni Governor Cherry Umali na ang bawat isa ay makatatanggap ng maagang pamaskong gift packs mula sa Provincial Government.
Nagkaroon din ng pa-raffle para sa lahat ng mga Kababaihang nagsipagdalo sa Christmas Party.—Ulat ni Jovelyn Astrero