Sa nalalapit na pagtatapos ng buwan ng Mayo inaasahan ang simula ng mas madalas na angĀ pag ulan na maaaring magresulta sa pag taas ng kaso ng dengue at iba pang mga water borne diseases.
Sa mga nakaraang buwan patuloy na bumababa ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Gayunpaman, patuloy pa rin ang pag papaalala ng Provincial Health Office o PHO sa patuloy na pagbabantay sa mga posibleng vector at water borne diseases katulad ng Dengue, Leptospirosis, Typhoid Fever at marami pang iba
Upang makaiwas sa Dengue kailangang regular na palitan ang mga tubig sa vase. Siguraduhing hindi magkakaroon ng tubig ang loob ng mga lumang bote, gulong at alulod. Panatilihing malinis at umaagos ang mga tubig lalo na sa mga kanal.
Hanggat maaari huwag mag babad sa baha dahil kadalasang dito nakukuha ang leptospirosis na galing sa ihi ng daga.- Ulat ni Amber Salazar