Labis na ikinatuwa ng pamilya ni Mary Jane Veloso, pinay na kabilang sa death row sa Indonesia, ang pagkaantala ng execution o ang nakatakdang pagbitay sa kanya, habang nagsagawa naman ng rally ang mga kaibigan at supporters nito bilang bahagi pa rin ng kanilang panawagan.

Nakatakdang magkaroon ng Asia-Africa Conference sa Jakarta at Bandung sa April 18 hanggang 24, na naging dahilan ng pagkaantala ng execution.

Hindi man isang daang porsiyento ang kasiyahang nadarama ng pamilya dahil hindi pa rin sila siguradong mapapawalang sala si Mary Jane, ay nabigyan naman daw sila ng karagdagang panahon upang magpatuloy sa kanilang panawagan na magsisilbing pag-asa nila upang mailigtas ito sa parusang kamatayan.

Layunin  naman ng rally na isinagawa kahapon, na kalampagin ang Gobyerno upang tulungan si Mary Jane at upang maipakita na hindi lamang Migrante ang nakikipaglaban para sa kanya kundi maging ang buong pamilya at mga kaibigan nito ay nakikiisa upang mailigtas siya.

Nagwalked-out naman ang pamilya Veloso, sa pakikipagdayalogo nila sa DFA noong martes dahil naguluhan daw sila sa kanilang nakuhang sagot mula sa kagawaran.

[youtube=http://youtu.be/1R-Teh63-4M]