Parami ng parami tuwing Biyernes Santo ang nakikiisa at nagsasakripisyo sa Gabalding upang humingi ng kapatawaran at biyaya mula sa Panginoong Hesukristo.
Tulad ng businesswoman na si Marissa Regala na nanggagaling pa sa Maynila. Kwento niya, apat na taon na siyang namamanata simula ng kunin siyang sponsor ng dating Kura Paroko ng Gabaldon para sa Santo Entierro o patay na estatwa ni Kristo.
Maging mga kilalang personalidad gaya ni Doc Anthony Umali ay sumasama at nagbubuhat ng kaputol ng krus sa prusisyon.
Balewala kay Doc Anthony ang halos apat na oras na paglalakad sa gitna ng init ng araw mula sa simbahan ng Gabaldon hanggang makarating sa burol.
Katiting lang aniya ang nararanasan niyang hirap at pagod kumpara sa naging pasyon ni Kristo o pagpapasan at pagpapako kay Kristo sa krus hanggang sa kanyang kamatayan.
Ang Gabalding ay pinagsamang pangalan ng mga bayan ng Gabaldon dito sa Nueva Ecija at Dingalan sa Aurora.
Nagsisimula ito sa isang misa na ginaganap sa magkahiwalay na parokya ng San Pablo Apostol sa Gabaldon at San Patricio sa Dingalan.
Mula simbahan ay nagsasagawa ng station of the cross ang dalawang sambayanan pasan ang pinaghiwalay na bahagi ng krus.
Nagtatagpo sa taas ng burol sa barangay Pinamalisan, Gabaldon ang mga mananampalataya kung saan binubuo ang krus at nagninilay ng pitong huling wika ni Kristo bago siya namatay sa krus.- Ulat ni Clariza De Guzman
[youtube=http://youtu.be/jkEfaw-68hk]