Ipinrisinta ng AFP sa pangunguna ni Armed Forces of the Philippines Major Gen. Glorioso V. Miranda ang mga proyekto, programa, hangarin at ilang usapin tungkol sa 7th Infantry Division sa Fort Magsaysay sa lungsod ng Palayan.
Ginawa ang pagpiprisinta sa pagitan ng mga miyembro ng media at ilang opisyal ng AFP. Kabilang sa mga inihain ng grupo ni Miranda ang pagiging Eco Tourism Park ng Fort Magsaysay sa pamamagitan ng maayos at magagandang pasilidad at iba pang maaaring makita sa loob ng kampo na tunay na ipinagmamalaki ng 7ID tulad ng Bowling/Billiard Center, Cordero Dam at Mt. Taclang Damulag.
Sa kasalukuyan, nae-enjoy na ng ilang residente ng fort Magsaysay at ilang turista galing sa ibang bayan at probinsya ang magagandang tanawing makikita sa loob ng kampo kabilang na ang Pahingahan Complex at Sports Complex na libreng ibinubukas sa publiko.
Sa usapin naman umano ng seguridad, siniguro ni Miranda na maayos at walang dapat ipangamba ang publiko dahil mahigpit at striktong ipinatutupad ang no gate pass no entry hindi lamang sa Fort Magsaysay kundi maging sa iba pnang mga kampo ng AFP.
Ang nasabing gate pass ay ibinibigay lamang nila sa mga otorisado at legal na nakapaghain ng request at nabigyan ng permit to entry sa Fort Magsaysay camp.
Samantala matapos ang presentasyon, nabigyan rin ng pagkakataon ang media na makapagtanong kay Major General Miranda at kabilang sa mga natalakay kung nakatatanggap o kung may ilang insidente nga ba ng mga pananakot o pagbabanta sa kampo na agad sinagot ng Heneral.- Ulat ni Mary Joy Perez