Sa nasabing patimpalak wagi ang pambato ng Barangay South Poblacion na si Pamela Andrea P. Dalacat labing pitong gulang.
Umani ng pinakamataas na puntos si Dalacat mula sa mga hurado at pinakalakas na palakpakan mula sa mga taga suporta nito.
Sa umpisa pa lang ng patimpalak, nagpaligsahan na sa pagrampa ang labindalawang kandidata sa kanilang Creative Attire, Casual, Summer Wear at Long Gown.
Lumutang ang ganda ni Dalacat sa bawat kasuotang inirampa.
Bukod sa pagiging Mutya ng Gabaldon 2015, nasungkit rin ni Dalacat ang Best in Casual Attire, Gabaldon Choice Award, at Ms. Photogenic.
Kasama ni Dalacat sa mga nagwagi sina Leizelyn M. Barcenas mula sa Barangay Ligaya bilang 1st Runner-up at nakuha ang Texter’s Choice Award, Ms. Friendship, Best in Creative Attire at Best in Talent.
2nd Runner up naman si Ma. Angelika M. Galang mula sa Barangay Sawmill. Naiuwi ni Galang ang Best in Jungle Attire, Best in Evening Gown, at Best in Production Number.
3rd Runner up naman si Janeth Jacinto mula sa Barangay Calabasa na nakamit ang Ms. Professional at Best in Summer Wear.
At 4th runner-up ang naiuwi ni Agatha Nadene Corpuz, kinatawan ng North Poblacion kung saan nakatanggap ang kandidata ng Minor Awards.
Pasasalamat naman ang hatid ng punong bayan ng Gabaldon, Mayor Rolando S. Bue sa mga tumulong upang maging matagumpay ang patimpalak.
Nakiisa rin sa patimpalak ang Presidente ng mga Konsehal ng Nueva Ecija na si Bokal Macoy Matias bilang representante ng ama ng lalawigan Gov. Aurelio “Oyie” Umali.- Ulat ni Shane Tolentino
[youtube=http://youtu.be/yhoc0olI1pg]