Dead on arrival sa ospital ang isang negosyante matapos ratratin ng hindi nakilalang suspek habang dumadalaw sa sementeryo sa barangay San Ricardo bayan ng Talavera.
Maswerte namang nakaligtas sa kamatayn ang kanyang kasama.
Kinilala ang mga biktimang sina Julieta Santos, kwarenta’y nueve anyos, negosyante, at Maricel Hipolito, trenta’y nueve anyos, kapwa residente ng Barangay San Ricardo bayan ng Talavera.
Base sa inisyal na imbestigasyon, habang nakaupo at nag-uusap ang dalawa sa loob ng musoleo ng puntod ng tatay ni Julieta ng pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek.
Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima.
Sa kabila ng mga sugat ay nagawang makahingi ng tulong ni Maricel upang maitakbo sila sa pagamuta.
Narekober ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen ang pitong basyo ng kalibre kwarenta’y singko.
Llanera- Isa ang naiulat na patay sa dalawang suspek na nanghold-up kamakailan sa isang Indian National matapos manlaban sa mga otoridad sa bayan ng Lalanera .
Ayon sa report ng Llanera Police Station, nakatanggap sila ng tawag kaugnay sa naganap na robbery holdup sa barangay Sta. Barbara ng naturang bayan kung saan nabiktima ang Indian na si Harvinder Singh.
Agad na hinabol ng mga rumespondeng pulis ang mga suspek na tumakas sakay ng isang Kawasaki Bajaj.
Nang masalubong ng mga otoridad lulan ng mobile patrol ang dalawa sa barangay Plaridel ay bumaba sa motorsiklo ang isa at bumunot ng baril.
Dahil dito ay mabilis na binaril ng mga pulis ang mga suspek na nagresulta sa kagyat na kamatayan ng isa habang sugatan naman ang isa pa na isinugod sa pagamutan.
Nasamsam mula sa dalawang suspek ang isang caliber 38 revolver na may dalawang bala, isang cellphone, at cash nap era na nagkakahalaga ng 2,500 pesos. – Ulat ni Clariza De Guzman