Pinasinayaan na ang dalawang palapag na bagong tayong munisipyo sa bayan ng San Antonio. Labing walong milyong piso ang inilaang pondo ng Provincial Government, upang magkaroon muli ng maayos at matatag na municipal building ang naturang bayan.
Ayon kay Mayor Nonoy Lustre, lubos siyang nagpapasalamat sa todo suportang ibinibigay ng pamahalaang panlalawigan sa kanilang bayan.
Nagsilbing panauhing pandangal sina Gov. Aurelio Matias Umali, Vice Gov. Gp Padiernos at 3rd District Congw. Cherry Umali sa inagurasyon ng munisipyo.
Ayon kay Gov. Umali, ang bagong tayong munisipyo ay bukas para sa lahat ng mamamayan ng bayan ng San Antonio.
Dagdag pa ni Congw. Cherry Umali, kung may pagtutulungan ang bawat isa ay mas maraming makabuluhang proyekto ang magagawa.
Eksaktong isang taon at pitong buwan, noong June 8, 2013, ng tupukin ng malakas na apoy ang pamahalaang bayan ng San Antonio. Kung saan, tinatayang nasa humigit kumulang 8.7 million pesos ang halaga ng danyos ng naturang sunog. – Ulat ni Danira Gabriel