Masayang tinanggap ni Joshua Mina ang kanyang cheke na nagkakahalaga ng P100,000 na ipinagkaloob ng TESDA o Technical Education and Skills Development Authority. Bilang pagpupugay, matapos niyang iuwi ang gintong medalya at makamit ang pinakamataas na iskor sa mechanical engineering design, sa ginanap na 10TH ASEAN skills competition sa Hanoi, Vietnam.

Bukod duon, ay tumanggap din si Mina ng P50,000 na galing naman sa CLSU o Central Luzon State University.

Si Mina, ay isang mag-aaral ng CLSU-CTC Foundation sa Science City of Munoz na nagdala ng bandila ng pilipinas at kinalaban ang mga pambato ng ibat-ibang bansa sa asya.

Pagdating sa sariling probinsiya, pumarada si Mina, kasama ang kanyang coach expert at mga kawani ng TESDA sa kahabaan ng lungsod ng Cabanatuan.

Matapos ang limang taon na pakikipagtunggali, ay ngayon lang ulit nasungkit ng pilipinas ang gintong medalya, na mismong sa probinsiya pa ng Nueva Ecija nagmula.

Kaya naman, lubos ang kagalakan ni Gov. Aurelio Matias-Umali, sa karangalan ibinigay ni Mina hindi lamang sa probinsiya, kundi lalong higit sa buong bansa.

Kung kaya’t nakatakdang magbigay din ang Provincial Government ng P100,000 bilang papuri sa hindi matatawarang galing na ipinamalas ni Mina.

Ayon pa kay Gov. Umali, simula sa susunod na taon ay magkakaroon na ng regular na  pondong pang suporta ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga Novo Ecijano na makikipag kompitensya para sa mga darating na Philippine National Skills Competition.

Sa ngayon, ay sinisimulan nang paghandaan ni Mina at ng TESDA ang nakatakdang pakikipagtunggali sa Worlds Skills Competition sa susunod na taon na gaganapin sa Brazil.- Ulat ni Danira Gabriel