Nakiisa ang CLMA o Central Luzon Media Association sa paggunita ng ikalimang taong anibersaryo ng Pamamaslang sa Maguindanao kamakailan.

Pinangunahan ng UNTV Newsteam ang prayer vigil para sa apat na kasamahang napaslang sa karumaldumal na naganap sa bayan ng Ampatuan sa lalawigan ng Maguindanao noong November 23, 2009.

32 na mamamahayag ang napaslang at ang CLMA at iba pang samahan sa media ay patuloy pa ring sinisigaw ang hustisya ng mga kasamahan na binawian ng buhay.

Dahil marami sa mga biktima ay mga mamamahayag, kinilala ang insidente bilang “pinakamalagim na araw sa kasaysayan ng pamamahayag”.

Kaya nanawagan ang samahan na bigyan ng pansin ng mga kinauukulan ang naganap na insidente na kumitil ng mahigit animnapung katao sa bayan ng Maguindanao. – Ulat ni Shane Tolentino