July 11, 2014 — Malaki na ang mababawas nang singil sa kuryente ng mga residente ng bayan ng Rizal, matapos na magsagawa ng Groundbreaking Cermony ang PNOC Renewables at NIA o National Irrigation Administration sa pagpapatayo ng Hydropower Plant sa Brgy. Poblacion West, sa bayan ng Rizal.

Ang Hydropower Plant ay ang pagsuplay ng kuryente sa mga bahayan sa pamamagitan ng tubig na dumadaloy sa mga irigasyon, ilog at dam.

Malaki ang pagkakaiba nito sa Electric Power Plants na kasalukuyan natin ginagamit ngayon. Kung ang Electric Power Plants ay kumokonsumo ng mga langis, sa Hydro Power Plants, tubig lang ang kailangan. Kung sa Electric Power ay pasan ng mga residente ang VAT, sa Hydro Power Plants, walang VAT na sisingilin sayo.

Nilinaw naman ng NIA na hindi ito makakaapekto sa konsumo nang daloy ng tubig sa Pantabangan Dam.

Ayon kay Director Mario Marasigan ng Department Of Energy, bagamat maliit lang kung titignan ang 1 Megawatt ay kayang kaya daw magsupply nito sa halos sampung libong kabahayan.

Malaking tulong para sa mga residente sa bayan ng Rizal ang pagkakaroon ng Hydropower Plant, lalo’t mababa ang boltahe ng kuryente sa kanilang lugar.

Inaasahan na sa darating na May, 2015 ay mapapakinabangan na ang naturang proyekto. Habang nakatakda naman na magkaroon ng bidding sa huling bahagi ng taon, para sa isa pang Hydropower Plant sa lungsod ng Muñoz. Ulat ni Danira Gabriel