MAHIGIT 1 MILYONG PISO, NALIKOM NG NOVO ECIJANANG PINTOR DAHIL SA KANYANG PAINTING FOR A CAUSE
Mula sa isang baby na kanyang natulungan na makalabas sa ospital sa pamamagitan ng pagbebenta ng kanyang painting ay dumami na ang benepisyaryo ng painting for a cause ni Sarah del Rosario, isang Novo Ecijana na ginagamit ang kanyang talento upang makatulong sa kanyang kapwa.
Sa aming panayam kay Sarah sinabi nito na umaabot na sa mahigit 1 milyong piso ang kanilang nakalap para sa iba’t ibang benepisyaryo ng painting for a cause.
Sa taong ito ay mayroong apat na benepisyaryo si Sarah ng kanyang mga painting kung saan nakalikom na siya ng halagang nasa 542,000 pesos.
Kwento ni Sarah, ang bayad sa kanyang mga likha ay hindi na dumadaan sa kanya kundi rekta na sa magulang o guardian ng kanyang tinutulungan.
Ayon pa kay Sarah, kapag umaatake ang kanynag autoimmune illness ay ang kanyang kahalili na mag pinta ay ang kanyang anak.
Bagaman siya rin ay may iniindang sakit ay hindi naman ito naging hadlang upang makapaghatid siya ng tulong.
mensahe ni Sarah and we quote
“I am very thankful to all the people buying our paintings for a causes because it’s an instrument to buy another minute, hour, day of life for severely ill kids. And to all the people buying my regular paintings, maraming salamat dn po, kasi hndi ko dn po mapopondohan ung mga materials ng paintings for a cause if there are no people ordering regular paintings. It’s impossible to fund hundreds of paintings for a causes if not for people who are supporting my passion. Maraming maraming salamat po”