CARRON DREAM PARK, MAS PINAGANDA NGAYONG TAON

Mas lalo pang pinaganda ng Carron Dream Park ang kanilang instagrammable at tiktok spot na matatagpuan sa Brgy. Santo Cristo sa bayan ng San Isidro.

Ayon kay Venntor Ronneal Santos, Vice President ng Sales and Marketing ng Carron Dream Park, sa halagang P100 na entrance fee ay maeenganyo ka nang lumibot at magpicture- picture sa Ginger Bread House, Junggle Safari, Tunnel of Lights at sa kanilang bagong atraksiyon ang Carron Speedy Kart.

Aniya, maging ang mga pet lovers, tiyak na mag-eenjoy dahil may lugar na para maglaro ang kanilang mga alagang aso at pusa sa kanilang Furry Tails Corner.

Sa mga nais naman na mag-unli rides ay magbabayad lamang ng P350 kung saan aabot sa mahigit tatlumpu ang maaaring pagpilian ng pamilya at barkada.

Mayroon din silang promo package na buy 5 tickets na unli ride at may makukuhang free 1 slot upang makapasok sa loob ng amusement park, habang sa mga senior citizen at persons with disability ay may nakalaan na 20 percent discount.

At kung magugutom naman ang pamilya, mayroon ding food park na pwedeng kainan at pagtabayan kapag pagod na.

Ang Carron Dream Park ay itinayo noong 2012 at ngayong taon ay muling binuksan sa publiko matapos ang ilang taon na lockdown sanhi ng pandemiya. Sa mga gustong pumunta ay bukas ito araw-araw mula alas-tres ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.