SENSITIBONG BALITA

PITONG NAGPUSTAHAN SA BILYAR, KINASUHAN SA ZARAGOZA

Sinampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 o Anti- Illegal Gambling ang pitong kalalakihan dahil sa paglalaro ng bilyar na may pustahan sa Barangay Batitang, Zaragoza, Nueva Ecija.

Kinilala ang mga sumusunod na suspek na sina:

  1. MELCHOR PAGUIBITAN y Esteban, 44-anyos, may asawa, naninirahan ng nasabing barangay at operator ng bilyaran.
  2. LUISITO VILLANUEVA y Simbillo (Bettor), 47 years old, may asawa, residente ng Brgy San Eustacio, Aliaga, Nueva Ecija
    3 DANILO BRUNO y Marcos (Bettor), 63 taong gulang, ng Brgy San Roque, Lapaz Tarlac
  3. MARCO DE LEON y Terona (Bettor), edad 34, may asawa na residente ng Brgy San Vicente, Zaragoza, Nueva Ecija
    5 JULIUS MADRIAGA y Noveno (Bettor), 35 years old, may asawa, naninirahan sa Brgy Sta Barbarra, San Antonio, Nueva Ecija
  4. JUDITH ESTEBAN y Tolentino (Bettor), 49-anyos, may asawa, at
  5. XANDER ESTEBAN y Torres (Bettor), 40 years old, may asawa na kapwa residente ng Brgy Batitang, Zaragoza, Nueva Ecija.

Base sa report ng Zaragoza Police, bandang 5:30 ng hapon noong November 22, 2022 nagsagawa sila ng operation sa Batitang kung saan nahuli ang mga suspek sa aktong naglalaro ng bilyar na may taya na nagkakahalaga ng Php 2,000.00.

Agad na inaresto ang mga suspek at kinumpiska ang kanilang bet money, labing-apat na piraso ng billiard balls, at siyam na pirasong cue sticks o “Tako”.