SENSITIBONG BALITA
HALOS KALAHATING MILYONG HALAGA NG DROGA, NAKUMPISKA KAY ALYAS POGI NG NUEVA ECIJA
Nasamsam ng Nueva Ecija Police ang halos kalahating milyong halaga ng ilegal na droga, mga baril at bala sa tuloy-tuloy na agresibong operasyon laban sa paglaganap ng droga at loose firearms sa lalawigan.
Kinilala ang mga suspek na sina alias POGI, 50, binata, vendor (subject of Search Warrant) at mga kasabwat nitong sina alyas PENCHONG, 30, tindero, residente ng Barangay Sto. Niño, Gapan City, at alyas BOY, 50, driver, naninirahan naman sa Brgy. Putrero, Malabon, Metro Manila.
CHARGEN: ILLEGAL NA DROGA, MGA BARIL, BALA, NAKUMPISKA KAY ALYAS POGI AT MGA KASABWAT NITO
Base sa report ni PCOL RICHARD V CABALLERO, Officer In-Charge, NEPPO, nagpatupad ng Search Warrants noong November 16, 2022 na inisyu ng Executive Judge ng RTC Gapan City na may petsang Nobyembre 9, 2022 at sa pakikipag-ugnayan sa PDEA RO3 ang Gapan Police kasama ang Police Intervention Unit/PPDEU NEPPO, 303rd MC, Regional Mobile Force Battalion 3 at 4th Maneuver Platoon 1st PMFC para sa mga paglabag sa R.A. 9165 at R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Law) sa Barangay Sto. Niño, Gapan City, na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga nabanggit na suspek.
Sa nasabing operasyon nakumpiska umano ng mga awtoridad ang dalawampu’t walong (28) heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu; dalawang (2) heat sealed transparent plastic sachet na may lamang pinatuyong marijuana, isang (1) REMINGTON shotgun, isang (1) S&W Cal.38 revolver w/o serial number, apat na pirasong bala para sa Cal.38; at dalawang (2) piraso pa para sa cal.9mm.
Tinatayang may timbang na more or less 62.9 grams ang shabu na may halagang Php427,720.00.