Sensitibong balita

TATLONG TINAGURIANG MOST WANTED PERSONS SA NUEVA ECIJA, NAPASAKAMAY NG KAPULISAN

Naaresto ng Nueva Ecija Police ang tatlong (3) Most Wanted Persons sa lalawigan, sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon na inilunsad ng mga elemento ng Licab, Cabiao at Gapan City Police Stations noong Oktubre 24, 2022.

Kinilala ang mga suspek na sina KHENETH BARNACHEA y Balisacan, 22 years old, binata, walang trabaho, residente ng Purok Maligaya, Brgy Linao, Licab, Nueva Ecija, Top 2 Most Wanted Person sa Municipal Level para sa Pagpatay nang walang inirekomendang piyansa; JOSELITO LALO y Capunpon, 36-anyos, may asawa, negosyante, residente ng Sitio Guyong Guyong Brgy. San Fernando Sur, Cabiao, Nueva Ecija Top 1 Municipal Level, may kasong paglabag sa RA 10591 na may inirekomendang piyansa na Php200,000.00; at isang alias ANA, edad 31, single, businesswoman at residente ng Gapan City, Nueva Ecija, Top 9 Most Wanted City Level, para sa Estafa na may inirekomendang piyansa na Php120,000.00.

Ayon kay PCOL RICHARD V CABALLERO, Officer In-Charge, NEPPO, inilagay sa kustodiya ng mga nabanggit na istasyon ng pulisya ang mga akusado.

Pinuri rin nito ang kanyang mga tauhan para sa matagumpay na manhunt operations na naghatid sa mga wanted na indibidwal sa kulungan upang mapagbayaran ang kanilang ginawang krimen, bilang pagsunod sa direktiba ni PBGEN CESAR R PASIWEN, Regional Director na paigtingin ang mga operasyon laban sa mga wanted person sa Gitnang Luzon.