Pagmamahal sa sarili at Panginoon, naging usapan sa Programang Count Your Blessings
Masayang ibinahagi ni Vanerie Meneses sa programang Count Your Blessings ang kanyang mga naging pagpapala sa buhay na kanya naman ibinabalik at ipinagpapasalamat sa Panginoon.
Kwento ni Vanerie kay Former Congresswoman Cherry Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman, maraming pagpapala siyang natanggap bago siya naging owner ng Strands en’ Strokes House of Beauty.
Ayon kay Vanerie, isa sa pinaka malaking pabor na ibinigay sa kanya ng Panginoon ay ng sumali siya sa competisyon sa Bangkok, Thailand kung saan hindi siya tumiwala sa kanyang sarili kundi sa kabutihan ng Panginoon.
Sinagot naman ng Panginoon ang kanyang panalangin ng isa siya sa nanalo sa kumpetisyon sa Thailand.
Sa lahat ng mabuting biyaya na hatid ng Panginoon sa kanyang buhay, Payo ni Vanerie ay huwag makakalimot sa kabutihan ng Panginoon lalo na sa panahon na bumubuhos ang biyaya.