SENSITIBONG BALITA

High grade marijuana, nakumpiska ng PDEA Regional Office 3 sa isang babae

Humigit-kumulang 35 grams ng high-grade-type ng cannabis o marijuana mula sa USA ang nasamsam mula sa isang babaeng claimant kasunod ng controlled delivery operation na isinagawa ng mga operatiba sa pangunguna ng PDEA Central Luzon, Clark Inter Agency Drug Interdiction Task Group, PDEA-NCR NDO at Bureau of Customs Port of Clark bandang 3:40 p.m, sa kahabaan ng Labahita St., Longos, noong Martes September 13.

Kinilala ang nahuli na claimant na si JOHANNA CLAIRE CLARION Y TUBORAN alias Clare Clarion, residente ng Labahita St. Brgy. Longos, 1472 Malabon City.

Ayon sa mga awtoridad, ang subject package galing USA ay dumating noong Setyembre 5, 2022 sa Port of Clark at idineklara bilang “GOODIES”.

Sumailalim umano ito sa X-ray inspection at K9 sniffing na humantong sa pagkadiskubre ng walong plastic screw cap bottles na naglalaman ng more or less 35 grams ng Kush (high grade cannabis) na nagkakahalaga ng Php 45,500.00.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Section 4 (importation of dangerous drugs) ng Republic Act 9165 ang suspek na tumanggap nito.