Sa labing walong Mayors ng lalawigan ng Nueva Ecija na dumalo sa isinagawang eleksyon ng bagong pangulo ng League of the Municipalities of the Philippines Nueva Ecija chapter, ay walang nagtangkang lumaban kay San Antonio Mayor Arvin Salonga, na ginanap sa Old Capitol Building, noong July 20, 2022.
Sa panayam kay Mayor Salonga ay sinabi nitong kabilang sa kanyang tututukan ang pagbibigay ng mga proyekto sa bawat bayan at lungsod sa probinsya na naaangkop sa kanilang mga pangangailangan, maging ang pagsugpo sa mga illegal na sugal, droga at pagtugon sa COVID-19.
Paiigtingin din aniya nila ang pagkakaisa upang matulungan ang mga Local Government Units (LGU) na may maliliit lamang ang pondo.
Upang maisakatuparan ang mga balaking ito ay hinihingi ni Mayor Salonga ang kooperasyon at tulong ng bawat Punong Ehekutibo at pahihigpitin ang kanyang pakikipag-ugnayan kay Governor Aurelio Umali.
Hinimok din nito ang mga Alkalde na tuldukan na at isantabi na ang politika at magkaisa bilang isang pamilya upang makapagbigay ng serbisyo sa taong bayan.
Makikipag-ugnayan rin aniya siya sa pinalitan nitong dating pangulo ng liga na si Guimba Mayor Boyong-boyong Dizon para sa mga programa at proyektong nasimulan na nito na maaari nitong maipagpatuloy para sa kapakapanan ng mamamayan.
Kasama sa mga naitalagang opisyales ng liga sina Cabiao Mayor Ramil Rivera bilang pangalawang pangulo; Zaragoza Mayor Lally Belmonte bilang Kalihim; Jaen Mayor Sylvia Austria bilang Ingat Yaman; Licab Mayor Eufemia Domingo bilang Auditor; Lupao Mayor Alex Romano bilang Business Manager; Nampicuan Victor Badar bilang PRO.
Para sa directors naman ay sina Cuyapo Mayor Flor Esteban; Talavera Mayor Nerito Snatos Jr.; Pantabangan Mayor Roberto Agdipa; Llanera Mayor Ronnie Roy Pascual; Gabaldon Mayor Jobby Emata; Bongabon Mayor Ric Padilla; San Leonardo Mayor Froilan NagaƱo at Gen. Tinio Mayor Isidro Parajillaga.