Nangibabaw ang costume na suot ng pambato ng bayan ng Zaragoza na si Claire Daffney Villamin Fermin sa 10 kandidata na sumali sa festival costume competition na ginanap sa SM Mega Center Cabanatuan city.

Pambato ng Zaragoza na si Claire Daffney Villamin Fermin, naiuwi ang tituto bilang 1st place sa Harvest Festival 2019

Inirampa ng disiotso anyos na binibini ang kasuotang gawa sa abaca na may bungkos at butil ng palay na nilikha ng isang local designer na si Enoc Aliga.

Naiuwi ng 1st year College Tourism student ang gift certificate mula sa SM Mega na Php 15, 000, plaque at isang boquet na bulaklak.

Nagwagi naman bilang 2nd place si Almira Mangila na suot ang gown na gawa sa tambo na ipinagmamalaki ng bayan ng San Antonio.

3rd place si Jenieva Santos mula sa lungsod ng Gapan kung saan itinampok ang Tsinelas Festival.

Sina Mangila at Santos ay nakakuha rin ng gift certicate mula sa SM na nagkakahalaga ng Php 10,000 para sa 2nd place at Php 5,000 sa 3rd placer at plaque.

Ang nasabing kompetisyon ay nilahukan ng bawat kandidata mula sa ibat-ibang bayan at lalawigan na suot ang gawa ng mga pinakamahuhusay na local designers upang maitanghal ang “One Town, One Product”.

Ipinahatid  naman ni  Carolyn Licup, Assistant Mall Manager ng SM Mega Center ang pasasalamat sa pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Aurelio Umali bilang kabahagi ng nasabing selebrasyon.

Kabilang sa mga lumahok  ang bayan ng Licab, Llanera, Santa Rosa, Talavera, Aliaga, at Lungsod Agham ng Muñoz.

Ang Harvest Festival ay ginawaran ng Stevie Award noong taong 2018, pinasimulan ito ng SM bilang suporta sa pagsusulong ng turismo sa lalawigan ng Nueva Ecija sa pakikiisa ng Department of Trade And Industry Region 3 at ng Provincial Tourism Office. Ulat ni Myrrh Guevarra