Ipinakita ng PDRRMC ang kanilang kahandaan sa iba’t ibang kalamidad na maaaring dumating sa lalawigan ng Nueva Ecija ngayong taon sa idinaos na Joint meeting ng local special bodies ng Provincial Government na ginanap sa Sierra Madre Suites.

Sa pagsisimula pa lamang ng taong 2019 ay sumailalim na sa training ang Provincial Risk Reduction Management Office upang mapaghandaan ang lindol at bagyo .

Bukod sa mga training para sa mga myembro ng rescue team ay nag daos rin ng earthquake drills para sa mga mamamayan ng General Tinio at Provincial Capitol upang kanilang malaman ang mga dapat gawin kung sakaling may lindol.

Dahil ang lalawigan ng Nueva Ecija ang isa sa mga lugar na kadalasang dinaraanan ng bagyo ay sumabak rin sa basic life support first aid refresher training ang mga myembro ng rescue team ng PDRRMC.

Ipinakita rin ni Richard Austria ng PDRRMC ang mga proseso na isinasagawa ng PDRRMC sa panahon ng kalamidad mula sa Pre-Disaster Risk Assessment hanggang sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.

PDRRMC, maagang pinaghahandan ang pagdating ng kalamidad

Ayon sa kanya ang PDRRMC sa pangunguna ng Gobernador bilang Chairman ng council ay laging nakahanda bago pa man mag landfall ang bagyo upang maagang ma –evacuate ang mga mamamayan na nasa mabababang lugar at ma-deploy ang mga personel at equipment sa mga lugar na maaaring mangailangan nito. – Ulat ni Amber Salazar