Inilunsad na ng Department of Trade and Industry (dti) Nueva Ecija ang ikatlong batch ng Kapatid Mentor Me Program, kahapon May 22, 2019, Cabanatuan City.

Ito ay kinabibilangan ng dalawampu’t isang Micro, Small, and Medium Entrepreneurs (MSMEs) na sasailalim sa 10 module na nakasentro sa entrepreneurial-mind setting, marketing, business operations, financial management, at iba pa.

Ayon kay DTI Provincial Director Brigida Pili, layunin ng programa na maturuan ang mga mentees na mapalago at maiangat ang kanilang mga produkto.

Sa mga bagong mentees, labing apat ang food sector at pito ang non-food.

Isa na nga rito si Jayson Natividad, may-ari ng Xander’s Pots and Designs ng Llanera.

Nagsimula ang kaniyang pagnenegosyo sa simpleng paggawa ng paso hanggang sa napalawak na niya ito, dahil maging ang paggawa ng furnitures ay kaniya na ring naging hanapbuhay gamit ang mga lumang damit.

Labis ang pasasalamat ni Jayson sa DTI, sa napakalaking oportunidad na ipinagkakaloob sa mga katulad niyang lokal na negosyante.

Inaasahan na sa August 2, 2019 magsisipagtapos ang mentees na gaganapin sa Cabanatuan City.

Para sa mga nagnanais na mapabilang sa susunod na batch ng Kapatid Mentor Me ay pumunta lamang sa mga sangay ng DTI para sa buong detalye. –Ulat ni Danira Gabriel