Hired on the spot ang labing limang aplikanteng Novo Ecijano sa isinagawang Job Fair ng Public Employment Service Office ng Pamahalaang Panlalawigan sa Waltermart Cabanatuan kahapon sa mismong araw ng mga manggagawa.
Isa lamang si Kate Vizconde Manalastas sa mga Novo Ecijanong nagtiis pumila para makakuha ng trabaho sa ginanap na isang araw na job fair ng PESO ng Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority, DTI, POEA at Deparmnet of Labor and Employment.
Si Manalastas ay mula sa Brgy. San Isidro, Cabanatuan City, isang fresh graduate student na nagtapos ng kursong Bachelor of Business Marketing sa Araullo University.
Nagpasalamat din si Manalastas sa mga nanguna ng programa nito lalo na kay Governor Umali dahil nagkaroon aniya siya ng oportunidad na makapagtrabaho bilang Call Center Agent sa Sutherland Palayan City.
Ayon kay Maria Luisa Pangilinan, Manager ng Peso Provincial Government, layunin ng programang Trabaho, Negosyo at Kabuhayan na matulungan at mapagmalasakitan ang mga Novo Ecijanong naghahanap ng mga legal na trabaho.
Ilan sa mga bakanteng posisyon na inalok sa mga aplikante ay ang welder, production operator, machine operator, construction worker, carpentry helper, vegetable grower, farm worker, agriculture livestock na laan sa mga kalalakihan na may edad na 20 hanggang 28 years old.
Habang production operator, vegetable grower at farm worker para naman sa mga kababaihan na may edad na 20-26. Samantala, mayroon namang 386 na aplikante ang inaasahan pang magkaroon ng trabaho kung sakaling maibigay ang ilan pang mga dokumento at makapasa sa interview ng mga local and overseas agencies. -Ulat ni Joice Vigilia/Jovelyn Astrero