
Isinagawa sa iba’t ibang parte ng Probinsya ang Oplan Summer Vacation ng Nueva Ecija Provincial Police Office na nagsimula noong ikalawang Linggo ng Abril.
Sa pag uumpisa ng bakasyon ng mga estudyanteng sa Lalawigan ay nagsagawa agad ng Oplan SUMVAC ang kapulisan ng NEPPO o Nueva Ecija Provincial Police Office upang masiguro ang kaligtasan ng lahat ng Novo Ecijano na magbabakasyon.

Sa mensahe ni Police Senior Ispector Jaquiline Gahid ng NEPPO, sinabi nito na nakapaloob sa Oplan Summer Vacation ang pag-iinspeksyon sa mga Terminals, Resorts at sa mga kilalang Tourist Spot sa Lalawigan.
Aniya, nasa mahigit dalawang libong kapulisan ang idineploy sa iba’t ibang parte ng Probinsya, katuwang ang RPSB o Regional Public Safety Battalion at PMFC o Provincial Mobile Force Company.

Ang naturang Oplan SUMVAC ay nag umpisa noong ikalawang Linggo ng Abril at matatapos sa ikatlong Linggo ng Mayo.
Susundan naman ito ng balik eskwela Program na kung saan ay magtutulungan ang PNP o Philippine National Police at iba pang mga organisasyon sa pagaayos ng mga pasilidad sa paaralan tulad ng mga sirang mga upuan, silid aralan at iba pa.
Ayon din kay Police Senior Ispector Jaquiline Gahid, bukod sa Oplan SUMVAC na ginagawa nila ngayon ay tuloy-tuloy parin ang iba pa nilang mga Anti-Criminality Operation tulad ng Checkpoint para sa paghahanda sa nalalapit na eleksyon at ang kampanya para sa Anti-Illegal drugs.
Nagpapasalamat din si Gahid sa mga Novo Ecijano na patuloy na nagbibigay ng impormasyon sa kanila upang masugpo ang kasamaan at mapanatili ang kaligtasan ng buong Lalawigan.
Samantala, para naman sa mga nais makipagtulungan sa kapulisan kung mayroong nalalamang ilegal na gawain sa inyong bayan tumawag sa mga Hotline Number ng NEPPO na 0935-675-2137 para sa Globe at 0998-598-5404 para naman sa Smart. – Ulat ni Getz Rufo Alvaran/Lerie Sabularce
