Ibinahagi ni Mayor Ricardo “Ric” Padilla sa harap ng mga residente ng Barangay Commercial at Barangay Sisilang ang kanyang ipinapatupad na “6 oclock habit” sa kanilang Pamilihang-Bayan na pagsapit aniya ng ika-lima hanggang ika-anim ng hapon ay sabay-sabay na namumulot ng basura ang kanyang nasasakupan.
Nais aniya nitong mamuhay sa malinis na kapaligiran, makalanghap ng sariwang hangin lalo higit ang makaakit ng mga turista upang mapalago ang turismo sa kanyang nasasakupan. Ang isang malinis na kapaligiran ay sumasalamin din aniya sa isang maayos at malusog na komunidad kung kaya’t isinusulong nito ang Task Force Kalinisan.
Ipinaliwanag pa nito ang kanyang adhikain sa pagsasakatuparan ng “Clean, Green and Color” na kung saan sumisimbolo ng kalinisan, kalusugan, katiwasayan, at kaunlaran sa kanyang lugar.
Ipinaliwanag pa nito ang kanyang adhikain sa pagsasakatuparan ng “Clean, Green and Color” na kung saan sumisimbolo ng kalinisan, kalusugan, katiwasayan, at kaunlaran sa kanyang lugar.
Ikinuwento din ni Mayor Padilla na kahit na ang average ng basura sa kanilang lugar ay nasa 42 meters ay may kaayusan na ito dahil sa pagkakaroon nila ng Material Recovery facility (MRF) na ang lahat ng basura ng kanyang nasasakupan ay naicoconvert sa organic fertilizer, at mga plastic garbages ay pwedeng gawing hollow blocks.
Pagkakaisa naman ang hiniling ni Mayor Ricardo sa kanyang mga kababayan para lalong mapaunlad ang Bayan ng Bongabon.
Bukod sa Task Force Kalinisan ay ipinagmalaki rin ni Mayor Ric ang kanyang mga nagawang proyekto at patuloy na ginagawa sa Bayan ng Bongabon.
Ilan sa mga ito ay ang Scholarship Beneficiaries (Mga Skolar ng Bayan), Special Program for Employment (SPES), Communal Public Toilet, installation of street lights (LED),Rehabilitation of Municipal Road, Repair/Improvement of Municipal Hall Building, Drying Pavement, Evacuation Center, 7 Transport Vehicle (Basura), purchase ng limang farm tractors , hybridization program, maging ang pamamahagi ng buto ng sibuyas at iba pang mga gulay, Tilapya Fingerlings at farmers ID.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.